Wednesday, July 6, 2011

Ariel, ikaw ba yan?

So, eto na naman ako, sa makailang ulit na pagsubok sa pagsusulat, na never naman naging successful.

Ewan ko, hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko maipagpatuloy ang pagsusulat ko. Marami naman dahilan na sa palagay ko eh, qualifies me to write a blog. Besides, that's the whole point naman ng internet di ba? To give freedom to everyone?

Una na sa listahan ng mga dahilan ko kung pwede ako magsulat;

1. Comm Arts Graduate ako, at paborito kong subject nung college eh basta meron pagsulat. Of course, love ko rin yung mga acting-actingan na subjects. Di ko na siguro mabilang kung ilang characters na ang naisabuhay ko (charos!).

2. Marami naman akong experience na pwedeng i-share. I think, meron akong mga kwento na worth reading and may opinyon naman ako na worth listening to.

Feeling ko lang ha, ang tunay na dahilan kung bakit never naging successful ang pagsusulat ko kahit ilang bese ko syang subukan, eh dahil walang akong boses. Alam mo yun? Di ba sa Marketing, dapat meron kang Unique Selling Point? Ayun, wala ako nun. Wala akong maiisip na ganun. Kasi nga, yung mga blogs that I always read, meron silang "niche" stories. Yun bang istorya na alam mong sila lang ang may talent na mag deliver.

Ganito yan eh, parang the classic rivalry between Nora and Vilma. May mga roles na para kay Nora talaga. Halimbawa, nahihirapan akong makita is Ate Vi bilang bida ng Himala. Feeling ko, ang character na yung eh sinulat talaga meant for Ate Guy. Same with Sister Stella L, pang Ate Vi lang yun.

Teka, I'm digressing. I think what I'm saying that, I need to find my voice. So sinusubukan kong alalahanin yung mga naituro sa akin nung college about writing and finding my own voice. dapat daw di ako masyado maging conscious about what other people might think kapag nabasa nila yung mga entries ko. So susubukan ko ulit. excited na ako!


Thursday, January 20, 2011

Once Again

Sana magtuloy-tuloy na. Gusto kong sumulat. Di ko maintindihan kung anong direction ang tatahakin ko sa pagsusulat. Eto ang mga options:

1. Mag English sa blog. Write in English since this is the language that I use at work. The only thing that is holding me back is that every time I write in this language, it always sounds as if I am writing an office memo. Sad. The upside is that there are some thoughts and ideas that are funnier and wittier if written in English.

2. Magsulat sa Tagalog. Pwede naman to. Kaya lang minsan ang boring.

3. Mag Bekimon. Keri to teh. Eto yung pinaka-bongga. Ang sa akin lang, madami ng ganitong blog, so paano ko naman aangat ang blog ko kung hindi naman ako maglalagay ng picture ng mga mabolap na otoko!

Basta, for now, I just wanna write again. Bahala na si Batman. Or si Catwoman!